His Lost Memories: Prologue






Prologue


He faced the screaming audience.  Lahat sila iisa lang ang hinihiyaw at iyo ay ang pangalan niya.

YURI- YURI! YURi- YURI!

Kasabay ng tambol ang ritmo ng kanilang pagbigkas sa kaniyang pangalan na para bang isa itong linya na humahabi ng mahika.  Narinig niya ang intro ng gitara hudyat ng pagsisimula ng kanta.  Wala na siyang kabang nararamdaman, di tulad ng kaniyang unang pagsalta sa malaking entablado pagkatapos ng kaniyang aksidente.  Sandali siyang napapikit upang damhin ang ritmo at ang nag-uumapaw na araw ng kasiglahan. 

Yuri...

Ang bulong na ‘yon ay halos kasama ng banayad na hanging hindi mararamdaman dahil punum-puno ng tao ang buong astrodome.  It nanaman... naririnig nanaman niya ang tinig na iyon na para bang binibigyan siya ng lakas ng loob. 

Buti na lang at narinig niya ang huling sukat ng mga nota na siyang hudyat naman ng kaniyang pagkanta.  Ibinuka niya ang kaniyang bibig at ang melodiyang matagal na niyang alam at kinakanta ang namayani sa bawat sulok ng lugar na ‘yon.  Iginagalaw niya ang kaniyang katawan alinsunod sa matagal na niyang sinanay na choreography.  Walang mali, swabe at lalong nagpapatili sa kaniyang masusugid na fans. 

Pinilit niya ang isip na kalimutan ang tinig na ‘yon at nagtagumpay naman siya.  Sa loob ng buong konsiyerto, nagawa niyang ituon ang buong lakas, enerhiya at sigla sa pagpapasaya ng kaniyang mga manonood. Dapat lang, dahil ang iba sa kanila ay galing pa sa iba’t ibang sulok ng mundo.  Hindi nakaramdam siya nakaramdam ng pagod, buhay na buhay siya ng gabing ‘yon. 

Sa wakas, dumating ang finale at lalong lumalakas ang hiyawan ng mga tao.  Ito ang sarili niyang komposisyon at ang pinaka-espesyal na numero sa konsiyerto.  Ibinigay niya ang lahat para sa iisang awiting ito. 

Mi Anghelita, ito ang title ng kanta. Isinulat niya ito minsang lukuban siya ng inspirasyon nang mabasa ang isang nobelang nirekomenda mismo ng kaniyang nobyang si Myca. It was written by the author under the pen name, Psyche

Normally, hindi siya nagbabasa ng fantasy-romance genre pero na-curious siya dahil ginamit ng author ang pangalan ng babaeng itinuturing na nakatalo sa kagandahan ni Aphrodite.  Very ambitious, sabi nga niya noon sa sa sarili. Pero on the other hand, Psyche means “soul” and looking at the cover itself, parang soulful ang kina-cast na aura ng libro. 

He decided to give it a shot at nagulat na lang siya nang matapos na pala niya wihtin two days ang buong hard-bound na libro na may 309 pages.  Naantig siya sa karakter ng bidang babae.  Pakiramdam niya noon, siya mismo ang bidang lalaking labis na nagmamahal sa dalaga.  Weird sa feeling pero, he was totally hooked up sa plot.  Series ito of three books.  Na-release na ang second book at sabi, on the process na daw ang ikatlo at huling libro.  After the concert, babasahin na niya ang second book.  Malay niya, baka makagawa siya ulit ng iba pang kanta.

Sa pagsabog ng fireworks  at pagpatak ng mga butil ng pawis sa kaniyang kwelyo,  winakasan niya ang kanta.  Ito na ang huling awit para sa konsiyertong ‘yon.  Halos kasabay ng paglaglag ng mga confetti ay ang pagpapaulan ng ilang fans ng mga itinapong bulaklak sa stage.  Malugod siyang yumukod,  ngumiti  at kumaway sa harapan ng mga ito.  Bagamat hinihingal, dama niya ang kasiyahan sa kaniyang magandang pagtatanghal at sa tugon ng mga manonood. 

Muli siyang yumukod at nagdilim na ang entablado.  Pagkapihit niya para pumunta sa likod ng entablado, narinig nanaman niya ang pamilyar na tinig.

Well done, tiger!

Halos mapatalon siya sa pagkabigla.  Nilinga niya ang mga kasama ngunit may ilang hakbang pa ang layo ng mga ito sa kaniya.  Ganito parati kapag may pagtatanghal siya o sa tuwing nag-iisa lamang siya.  Parang nasa tabi lang niya ang tinig.  Minsan pumasok na sa kaniya ang ideyang minumulto siya at noong una’y iniugnay niya ito sa nangyaring aksidente.  Subalit nalaman niyang siya lang ang naging kritikal ang kalagayan resulta ng pangyayaring ‘yon.   Wala rin siyang kasama sa kotse.  Mag-isa rin lang ang driver ng perishable goods delivery truck na nakabangga niya at ito’y linsad na buto sa paa lamang ang natamo.  Walang namatay. 

Liban doon, pakiramdam naman niya hindi isang espiritu ang pinanggagalingan ng tinig.  Mas maihahalintulad niya ito sa isang buhay na memoryang lumilitaw bilang isang boses na malapit sa kaniya. Malakas ang kutob niya na tinig ito ng dati niyang kasintahan.  Mapait man sa kaniyang panlasa, ito lamang ang rasyonal na sagot sa hinuha niya.

Ayaw niya sana alalahanin dahil sumasakit lang ang ulo niya at may konting kirot sa puso.  Hindi man niya maalala ang dalaga, sigurado siyang naging mabuti siya rito.  Ang iwan siya dahil lamang sa naaksidente siya... hindi ba’t napakasama ng ganoong dahilan?  Kung siya lang, hindi na niya gugustuhin pang balikan kung sino man ang babaeng ‘yon pero matindi ang tamang kuyosidad.  Naiinis pa siya dahil parang minumulto siya ng tinig na ‘yon.  And to make it all stop at once, kailangan niyang makita at makilalang muli ang babaeng dati niyang minaha.  Well, sigurado siyang minahal niya ito to make her his girlfriend.

Sa likod ng stage ay masaya siyang binati ng mga kasamahan.  May mangilan-ngilan ding special fans na nakapagpa-autograph at picture sa kaniya.  Tuluyan niyang nagawang isang-tabi ang mga iniisip.  Nang sa wakas ay makatuntong na siya sa kaniyang dressing room, isang boquet ng bulaklak ang biglang lumitaw sa harapan niya. Medyo nagulat pa siya pero napangiti rin agad dahil kilala niya ang taong may hawak nito.
“Congratulations, babe!”  At mahigpit siyang niyakap nito.

Si Myca, ang girlfriend niyang fashion editor. 

Ibinalik niya ang yakap sa kasintahan.  Na-miss niya ito at isang magandang surpresa ang dala nito nang magpakita sa kaniya just right after his concert.  Nang pinaatras niya ito para tingnan, agad siya nitong hinalikan sa mga labi.  Smack lang pero hinawakan niya ang likod ng ulo nito at ginantihan ng isang mainit at nakahihilong halik. 

Nang matapos ang halik, mahina siyang sinampal ni Myca sa braso.

“So you missed me?” panunukso nito.

“Isn’t that obvious?” At hahalikan niya sana ulit ang dalaga pero umiwas na ito.  Sa halip ay tinungo ang dressing table kung saan nakalagay ang isang bote ng champage at dalawang glass.  Marahan nitong nilagyan ang mga baso ng likidong nagmumula sa bote.  Habang tinitingnan si Myca, naramdaman ni Yuri na may kakaiba rito kahit na sweet ang pinakita.  Hindi niya ma-pin point pero ramdam niya ang maliit na pagkakaibang ‘yon.

Magkokomento na sana siya pero naunahan siya ng isang katok sa pintuan.  Bilang sumungaw ang ulo ni Jerry, ang kaniyang manager. 

“Yuri, someone wants to talk with you,” matipid nitong sabi ngunit ang tono’y kababakasan ng nag-uumapaw na galak.  Yuri knew right then and there na may magandang balita.  He excused himself sa kasintahan na naiwan sa ere ang kamay na may tangang baso ng champagne .  Nakangiti ito pero hindi abot hanggang sa mga mata. 

It would have to wait, sabi ni Yuri sa isip.

“Don’t worry I’ll be waiting here,” sagot ni Myca.

The night was a whirlwind for Yuri.  Isa pala sa mga top executives ng pinakamalaking TV network sa Pilipinas ang tinukoy ni Jerry.  Inalok si Yuri ng kontrata di lang sa recording at concerts.  Kasama sa inalok sa kaniya ang movies, endorsements, TV soaps at marami pang ibang exposures. Trinitriple pa ng TV station na ito ang kaniyang talent fee. It was an offer he couldn’t just resist.  Sikat man  siya sa Espanya sa panahong ‘yon, iba pa rin para sa kaniya ang pagkakataong ibinibigay ng Philippine TV network. Besides, matagal na rin siyang di nakakauwi sa Pilipinas. 

By the end of the meeting, may verbal agreement na sila ng representative.  To finalize everything, magpipirmahan sila ng kontrata sa Pilipinas.  Sinigurado naman ng kausap ni Yuri na magiging plantsado na ang lahat bago pa man ito umuwi sa bansa.  Ang kakailanganin na lang niya ay ang pumirma.  So his work and effort finally paid off. 

One hour na pala ang nakalipas kaya nagmadali na siyang bumalik ng dressing room. Nakita niyang nagpa-pack up na ang lahat pero sinabi ni Myca na maghihintay ito.  Excited na rin siyang sabihin ang magandang balita.  Sa wakas, magkakasama na sila ng matagal ng kasintahan kasi babase na rin siya sa Pilipinas.  Subalit nawala ang ngiti sa labi niya nang hindi makita ang girlfriend sa room.  In her place was a note telling him na may biglaang pagbabago sa sched niya kaya kinailangan niyang umalis.

He crumpled the note and threw it across the room in pure disgust and frustration.  Hindi na talaga siya natutuwa sa lagay nilang ganoon ni Myca.  Mahalaga sa kaniya ang dalaga at ang malayo rito ay isang tinik na bumabaon sa kaniyang puso sa bawat araw na di niya ito kasama.  Pero magbabago na ‘yon at malapit na...

That night, nag-update si Yuri ng Facebook niya to share his excitement with his Filipino fans (yes, mayroon siyang fans way back from the Philippines dahil budding singer siya roon before the accident).  Nacurious niya nang magload sa Newsfeed niya ang larawan ng anim na dalagang post mismo ni Myca.  The picture had been posted about a weak ago pero nagcomment si Myca just recently kaya lumitaw sa newsfeed niya.  Pinagmasdan niya ang larawan.  Magaganda ang mga kasama ng kasintahan sa picture ngunit hindi pa niya nakikita ang mga ito kahit kailan.  Nakita niya ang comment ni Myca.

“Zhea, throwback ang drama natin? BTW, di pa ba nakakauwi sina Mischa at Oriel?”

Napa-isip si Yuri kung sino-sino ang tatlong nakapangalan sa komento ni Myca.  Napansin niya ang pinakamaliit sa grupo. Somehow looking at the petite with mestiza features and long wavy hair gave him a throbbing pain in the head.  He dismissed the thought na ito ang dahilan ng pananakit ng kaniyang ulo.  Dala lang iyon ng pagod at sinisingil na siya ng katawan dahil ubos na ang adrenaline rush dito.

He closed his laptop at humiga na sa higaan niya.  As he was dozing off to dreamland, lumitaw ang mukha ng kaibigan ni Myca sa kaniyang isip.  May kung anong kalokohan ang nagsasabi sa kaniyang bumabagay ang boses na naririnig niya sa mukha nito.  Gusto sana niya i-entertain ang ideyang ‘yon for humor’s sake pero wala na siyang lakas pa. Kusa nang pumikit ang kaniyang mga mata.

His dreams were full of sad scenarios.  Actually, it was the same dream again. Lagi niya itong napapanaginipan lalo na pagka pagod siya.  In his dream, nakikita niya ang sariling nakaratay sa hospital bed. May isang babaeng nakaupo sa tabi niya na kahit anong pilit niyang aninag sa mukha nito’y di niya talaga makita.  Pero iisa lang ang nararamdaman niya sa panaginip na ‘yon... KALUNGKUTAN. 

Napakalungkot ng babae sa tabi niya at damang-dama niya iyon na para bang sarili niya itong emosyon.  Ang susunod na senaryo ay makikita niya itong nakatayo sa harap ng isang puntod. Parang lumang pelikula ang parteng ‘yon palagi.  Black and white ang kulay. Nakayuko ito pero nakikita niya ang pagpatak ng mga luha na nahuhulog sa lapida ng puntod.

Alfred Reyes.

Halos kasabay ng pagpatak ng mga luha ng babae ay ang mahinang pagbuhos ng ulan.  Nakita niya ang sariling dumating at pinayungan ito.  Malungkot din ang kaniyang mukha, halatang nakikiramay sa pinayungan. Sigurado siyang hindi si Myca ang babae sa kaniyang panaginip.  Maliit lang kasi ang babae at maputi.  Morena at nasa 5’6” naman ang kasintahan.

Minsan dumarating din ang eksenang masaya siyang kumakanta sa kotse tapos bigla makikita niya ang isang sasakyang pasalubong sa kaniya.  Iba-iba ang mga sasakyan.  May kotse, SUV, jeepney, bus or truck.  Pero kadalasan truck.  Naniniwala siyang ito ang pangyayari sa aksidente.

Ganito ang mga eksenang paulit-ulit sa panaginip niya. Mag-iiba lang ang mga ito ng pagkakasunod-sunod pero ganoon pa rin ang laman.

Nagising siya ng mga bandang alas kuwatro ng umaga.  Gusto pa sana niyang ipagpatuloy ang pagtulog pero di na niya magawa pa.  Ang ginawa na lang niya ay maagang naligo sa pool at gumayak para i-meet si Myca.  Limot na niya ang pag-iwan nito sa kaniya, ang tanging alam lang niya ay nasasabik na siyang makasama ito. 

“Hey, babe, dadaanan kita.  May pupuntahan tayo,” masaya niyang wika.


Groggy pa ang nasa kabilang linya pero umoo naman ito at nagsabing magdala na lang siya ng kape at breakfast dahil kagigising lang niya. Natawa si Yuri at nangakong dadalhin ang paborito nitong kape at blueberry cream cheese crepes. Good vibes na siya at pasipol-sipol habang nagmamaneho papunta sa pinaka-espesyal na babae ng buhay niya.  He was living his second life at di niya gagawing miserable ang buhay niya gawa lamang ng mga panaginip na di maipaliwanag.   Isinantabi na muna niya ang mga alalahanin at ang gumugulong panaginip.  That moment, excited siyang pumunta sa piling ng kasintahan. 




No comments:

Post a Comment