Masaya naman ang naging breakfast ng mga bagong magkakaibigan. Kahit pagod, rumaragasa ang adrenaline sa buo nilang katawan. Gusto na nilang umpisahan ang kanilang sight-seeing and adventure sa Bangkok.
Sa kwentuhan nila, nakumpirma ng mga manunulat na pawang mga rich boys ang kanilang kasama. Hindi masyadong halata kay June kasi napaka-low profile nito, tahimik lang most of the time during the conversation pero ito pala ang kaisa-isang anak ng isang British billionaire na nakapag-asawa ng isang Filipina (na mommy nga ni June). Balang araw, siya raw ang magmamana sa mga chain of resort and hotels ng kaniyang ama. Samantala, kapansin-pansin naman ang atraksiyon sa pagitan nila ni Athena.
Haciendero naman ang angkan nina France at isang kilalang interior designer and kaniyang ina. Sabi pa ni France, ang ina niya ang nagdisenyo ng ilang VIP rooms sa hotel kung saan sila nakatigil, kaya VIP siya kapag tumitigil dito. Dagdag pa, ninong niya ang mismong may-ari.
Sina Liam naman, katulad ng alam ng lahat ay tungkol sa mga apparel ang negosyo. Namamayagpag din sila online shopping dahil isa sila sa mga kilalang online stores sa Asia. Kaso nga lang, hindi raw gusto ni Liam ang business kaya mas ginusto niyang mag-artista kahit tutol dito ang kaniyang mga magulang.
“Girls, para namang kami lang ang nagkukwento. Baliktad ata,” nakasimangot na wika ni France at nakuha pang ikrus ang mga bisig tanda ng pagkadismaya. Gusto talaga niyang makilala pa si Mhy, ngunit kahit ipinapakita ng dalaga na masayahin siya’t palabiro (and flirty at times) di pa rin nito naikukwento ang tungkol sa kaniya.
Napansin nga nina France, June at Liam na tipid ang mga impormasyong binibigay ng mga girls. Nagsabi lang ang mga itong bawat isa sa kanila ay writer, at di na pinalawig pa ang deskripsyon.
“Ano ba kasi ang gusto mo pang malaman tungkol sa amin?” tanong ni Mhy na may kasamang pang-aalo.
“Ako... ampon,” biglang walang basehang pagdedeklara ni Kriza na ikinatigil ng lahat. Maging mga kaibigan niya nagulat. Di rin kasi nila alam ito kaya mataman nilang tiningnan ang kaibigan na seryoso naman ang ekspresyon.
Nagpatuloy si Kriza. “Nito ko rin lang nalaman. Narinig ko kasi sina mommy at daddy na nag-uusap... sorry, girls, di ko nasabi agad.” Narinig nila ang bahagyang panginginig sa tinig ni Kriza pero walang naglakas-loob aluhin ito. Alam nilang nagpapakatatag ito.
Si Liam naman ay biglang nag-excuse at may importanteng call lang daw siyang dapat gawin. Di na ito pinansin pa ng iba dahil nakatuon ang kanilang mga atensiyon kay Kriza.
“Krizh, it’s okay kung...” Sasabihin sana ni Misch na okay lang na huwag pilitin ng kaibigan ang sarili, ngunit inunahan siya nito ng iling.
“It’s okay, at least may nasabi akong kakaiba,” tapos ngumiti itong para lang sira. Tawanan ang lahat at nawala ang tensiyon. Napailing naman si France. Sa isip-isip niya, mukhang hindi magiging boring ang kanilang bakasyon at puno ng surpresa ang mga babaeng kasama nila ngayon. Lalo siyang natutuwa dahil kakaiba talaga ang mga ito kumpara sa mga madalas nilang nakakasama ni Liam sa mga bars, party at sosyalan.
“Pero okay ka nga lang talaga?” nag-aalalang tanong ni June. Hindi sanay si June sa mga babae. Boy next-door kasi siya at sadyang di mahilig sa mga kasiyahan. Minsan lang siya maisama nina France at Liam, at mga minsang pagkakataon na iyon umaalis din siya agad lalo na kapag may girl na lumilingkis na sa kaniya. Di miminsang napagkamalan siyang bading, pero di na niya pinapansin iyon dahil alam niya ang totoo. Ngunit iba ang pakiramdam niya sa mga bagong kakilala... magaan lang dalhin. Parang kapatid, ganoon. But definitely, Athena is an exception.
“Oo naman. Matagal ko rin namang naiisip ‘yun dahil panay chinito at chinita sila sa family tapos ako lang ang parang kastila. Pero kahit ganoon, di nila ako tinuring na iba. Masaya ako sa kanila,” sabi ni Kriza at nagpatuloy pa. “Actually, I have these weird dreams every now and then na para akong nalulunod at tangay ng malakas na agos. Ganun lang, paulit-ulit.”
“Tungkol diyan sa mga recurring dreams na ‘yan. Nabasa kong kaya paulit-ulit ang isang panaginip dahil may isang problem na alam ng conscious mind ang hindi pa nasosolusyunan. It appears as a metaphor sa mga panaginip. At mananatili itong reccuring dream hanggat di nasasagot, nahaharap o nagkakaroon ng closure,” explain ni Athena, sabay dugtong ng tanong. “Teka, kailan ba nagsimula ang ganyang panaginip mo?”
“Ever since I can remember? Alam ko bata pa lang ako may panaginip na akong ganoon, eh. And did I ever mention to you girls na may amnesia ako? Di ko naaalala ‘yung happenings ng bata pa talaga ako. Like noong mga until six years old ako,” sagot naman ni Kriza.
“Yup. Naalala kong nasabi mo nga ‘yan nung minsang nag-camping tayo,” sabi ni Mischele.
“I guess, it makes sense. Maybe something went wrong when I was still a kid kaya napunta ako sa pamilya ko ngayon.”
Natahimik sila lahat, nag-iisip, until nagsalita ulit si France.
“If you want, I can enlist help from a private investigator,” offer ni France na ginantihan ni Kriza ng malakas na pag-iling ng ulo.
“That’s very thoughtful of you, France. Thanks, but no... may dahilan kaya siguro ako napiling ayawan ng mga magulang ko. Alam mo na... baka mahirap kami tapos iniwan lang nila ako para mapabuti ako.” Magkahalong tamis at pait ang ngiti sa mga labi ni Kriza.
“Pero...” Gusto rin sanang maki-argue ni Mhy. Kung tutuusin kaya naman ni Kriza mag-hire ng sariling P.I. pero di nito piniling kumuha. For short, di pa ito handa.
“Oh ayan, guys... malaking revelation na ang pinasabog ko, ha. Ano pang gusto niyong malaman? Pero alam ko namang di kayo interested sa drama ko, eh. Di ba, France?” At kinindat ang nakangising binata.
Maski si June umiiling ulit habang patawa-tawa. Daig pa nilang may nakasamang bipolar. However, this is a good kind of crazy, ika nga.
“Isa ka pa, June,” sita pa ni Kriza sa isa pang binata, sabay tayo. “Sige na, just enjoy your breakfast and date interview. May dapat lang akong asikasuhin bago tayo umalis mamaya. Please excuse me.” Tumatawa ito habang papunta ng pintuan.
“Sasama na ako, Krizh,” sabi rin ni Mischele at akmang tatayo na rin.
“Uh-uh! Nope... di pwede. Sinong kausap ni Liam kung ma-engross ang mga ‘yan sa isa’t isa?” Nasa pintuan na si Kriza at kinindatan si Mischele bago tuluyang umalis. Magpoprotesta pa sana si Mischele pininid na ni Kriza ang pinto. Tatayo rin sana siya ngunit bumukas itong muli at iniluwa si Liam kaya di na niya naituloy pa ang balak niya.
“Oh, where’s Kriza?” tanong ni Liam nang di makita ang bulinggit sa grupo.
“Ah,” si Mischele ang sumagot, “kaaalis lang. May aasikasuhin daw siya.”
Ihinilig ni Liam ang ulo niya kanan at umupo sa pwesto niya. Inboluntaryong kinuskos ng kanang palad niya ang sariling baba. Sumasakit ang ulo niya sa isang bagay pero ipinaubaya niya muna ito.
“Something’s bothering you, bro?” tanong ni France na humugot sa kaniya mula sa malalim na pag-iisip.
“Need more coffee?” Katabi niya nga pala si Mischele. Sandaling nawala ang atensiyon niya sa dalaga pero nang magsalita ito, pakiramdam niya may nawalang mabigat sa dibdib niya. Maganda sa pakiramdam ang ganoon. Gusto sana ng utak niyang maglitanya pa ng mga rason kung bakit ganon ang kaniyang nararamdaman, pero agad niya itong sinaway. Pinili na lang niyang sagutin ang tanong ni Mischele.
“Yes, please.” At agad namang ni-refill ni Mischele ang tasa niya.
“Ah, wala ito,” Kay France nakadirekta ang sagot pero alam niyang inaasahan din ito ng lahat. “Just business.”
“O akala ko ba, Liam, bakasyon ito at walang halong business?” Si June na ang sumingit. Usapan din pala nila na walang magaasikaso ng negosyo o trabaho sa loob ng dalawang linggong bakasyon. Lame excuse, Liam, saway niya sa sarili.
“The truth is... di talaga business. It’s about my sister. But anyway, later na ‘yon. Let’s plan this vacation.”
“Sister? You mean...” Durugtungan pa sana ni France kung hindi siya pinutol ni Liam. Kuha niyang ayaw nito munang pag-usapan.
“Let’s talk about this later,” sabi ni Liam. “Anyway, I want to visit the beach villas, France. Baka mas magustuhan ng mga girls doon at mas maganda ang ambiance and it’ll give them inspiration sa pagsusulat.”
From there, nagtuluy-tuloy na rin ang usapan tungkol sa bakasyon. Dineklara ni France na lilipat sila ng beach villas para doon na magstay within a week bago tumuloy sa resort sa Phuket kung saan nakabook ang mga girls. Tinawagan ni France ang manager para maisaayos na ang arrangement ng kanilang paglipat. Samantala, si Mhy naman ang tumawag sa Indigo Pearl para mai-adjust ang accommodation nila.
After ng breakfast, lumipat na sila. Nalungkot ng konti ang mga girls dahil di nila mararanasang ma-enjoy ang room nila. Pero ung ideya ng beach villas ay mas nakakaenggayo sa kanilang pandinig kaya di na sila nalungkot pa. Tutal, mas nasa elemento nila ang malapit sa kalikasan kaysa sa loob ng isang glamorosang gusali.
Hindi naman sila nagsisi nang makita nila ang itsura ng mga beach villas. Si Kriza nagsabi ng kaniyang saloobing napakaromantiko raw ng dating dahil naalala niya ang bahay nina Edward at Bella Cullen ng Twilight saga. Sa Brazil ang honeymoon daw ang mga ito. Wala silang nagawa kundi sumang-ayon. Bukod pa roon, kakaunti lang ang mga kasama nila sa resort kaya may ere ng exclusivity. Nakakaengganyo talagang magsulat!
Pagkatapos nilang tuluyang makapag-ayos, agad na nagsuot ng swimming gears ang mga girls at tumakbo sa dalampasigan. Dala ni Mhy ang kaniyang camera at kumuha ng mga shots. Magsusulat daw siya ng isang magandang review tungkol sa resort-hotel.
Si Kriza naman ay nagrecord ng deskripsyon niya. Gagamitin niya raw ito sa pagsasalarawan ng isang isla sa kaniyang ginagawang adventure book. Si Athena naman ay gumawa agad ng sketch ng napili niyang anggulo.
Subalit si Mischel ay dumaranas ng writer’s block. Kahit anong pilit niyang gawin, walang lumalabas na konkretong pagsasalarawan on pagbuo ng istorya mula sa utak niya. Oo, namamangha talaga siya sa natutunghayang kagandahan, pero hanggang doon na lang iyon. Wala na siyang maisulat pa.
Kasulukuyang nakakunot ang noo niya habang nakaupo sa lounge nang dumating at tumabi sa kaniya si Liam. Bigla nanaman siyang na-conscious kaya umayos siya ng upo.
“Ah, pasensiya na. Naistorbo ko ba ang pag-iisip mo?” paghingi ng paumanhin ni Liam.
“Hindi. Okay lang... nakakaranas kasi ako ng tinatawag na writer’s block ngayon. Eto, nakokontento na lang mainggit sa kanila,” sagot niya at ininguso ang mga kaibigang abala sa kaniya-kaniyang gawain.
“Mahirap siguro ang maging writer,” ganti ni Liam. Habang tinitingnan sa di kalayuan si Kriza. Di naman ito nakalampas sa mapag-obserbang mga mata ni Mischele.
Interesado siya kay Kriza? May panghihinayang siyang naramdaman at nang mapansin niya iyon, agad niyang itinuwid ang sarili. Eh, ano? Bagay naman sila, ah. Ikaw nga Mischele, magtino ka nga! Katatapos niyo pa lang ni Fritz tapos gusto mo ng isa nanamang batong ipupukpok sa matigas mong kokote?!
“Si Kriza... nagsusulat ‘yan ng mga adventure at fantasy books. Sikat na mga gawa niya teenager pa lang siya. Bawal ko nga lang i-reveal sa ‘yo kung anong pen name niya.”
“And why is that?”
“Rule kasi namin sa grupo. We don’t reveal our identity... ever! In my case, alam ng pamilya ko lang at ni... My editor handles the rest,” paliwanag niya, at nainis nang konti nang muntikan niyang banggitin ng dating kasintahan. Buti na lang, sa tingin niya, di ito napansin ni Liam.
“In Kriza’s case... alam ng daddy at mommy niya but not her siblings. Magaling siya magtago. Si Athena sila na lang ng mommy niya at ng ampon niyang si Jace, so sila lang. At si Mhy naman kakaiba. Kilala siya bilang travel writer pero ‘yung mga literary works niya nakatago maski sa family niya.”
Sa totoo lang, napansin ni Liam ang di pagtuloy ni Mischele ng kaniyang pangungusap pero di na niya ito pinansin pa. Pinili niya na lang manahimik muna ng ilang sandali bago sumagot. Pagka-banggit kay Kriza, di niya napigilan ang sariling tanungin ang tungkol dito.
“Masaya naman ba si Kriza sa trabaho niya at family?”
“Halata na ‘to, ah,” mahinang bulong ni Mischele pero narinig pa rin pala ni Liam.
“Hindi ah! I mean, yes, I’m interested... but I’m not interested in the way na iniisip mo.”
Napahagalpak ng tawa si Mischele. Nakikita niya kasing parang kasing pula ng kamatis ang tisoy niyang kausap. Hanggang bare nitong dibdib ang pagkapula. Napababa pa ang tingin niya.
Wow! Looks decent... Ang abs ni Liam ang tinutukoy niya. It’s her turn para naman pamulahan dahil nakita ng aktor ang pagbaba ng tingin niya.
“Like what you’re seeing?”
Iningusan muna niya ito bago tumayo. It was Liam’s turn to gawk at her. Di katangkaran si Mischele lalo na kung ikukumpara sa leading lady niya na si Vanessa. Pero maganda ang kurba nito. Not too bossomy pero di naman maliit. Maganda at makinis ang kutis nito, hindi mestiza pero di rin naman ganoon kamorena. Pansin niyang parang Chinese ang ancestry nito lalo na kung pagbabasehan niya ang mga mata nito. Pero ang pinakagusto niyang asset ay ang paalon-alon nitong itim na buhok. Hindi ito katulad ng pagka-itim ng kay Athena na kapag nasisinagan ng araw ay nagpapakita ng malalim na kulay ng bughaw. Itim ito ng katulad sa gabi.
Lalong siyang nahiya nang makita sa mukha ni Liam ang bakas ng paghanga. Di siya sanay na tinitingnan ng mga lalaki. Kung sabagay, di naman siya naliligo nang madalas sa mga pools at beach. Mabibilang lang sa daliri niya ang magsuot ng swim suit.
Pinilit niyang lunukin ang hiya. This time, di na siya makukuntentong pamulahan na lang, di siya patatalo. Isang kapilyahan ang naisaisip niya at sinabi na rin.
“Like what you’re seeing?” pagbalik niya sa tanong ni Liam, tumalikod at naglakad palayo. Nang makadalawang metro na ang layo niya sa aktor, huminto siya’t muling nagsalita. “By the way, Kriza’s available. Wala pa siyang boyfriend.”
“Sabing hindi nga ganoon ‘yon,” pahabol ni Liam. Di na ito pinakinggan ni Mischele.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagkayayaan ang lahat na lumabas na lang upang mananghalian. Nilibot nila ang mga restaurant na malapit lang sa resort. Gusto sana ni France na sa hotel na lang sila kumain pero feeling adventurous ang buong grupo. Sa huli, napilit din si France. Wala siyang nagawa kundi maging guide. Ala-una na sa kanilang mga relo nang pumasok sila sa isang desente pero di mamahaling restaurant. Certified Thai cuisine daw ang niluluto rito ayon kay France. Ang mommy niya raw ang nagdala sa kaniya rito noong sampung taong gulang pa lang siya. Since then, lagi na raw siya kumakain dito kapag nasa Thailand siya. Kaibigan na rin daw niya ang magandang dalagang anak ng may-ari, sabay ngiti na may halong kapilyuhan. Tiningnan niya kung ano ang reaksiyon ni Mhy pero nadismaya nang nakangiti pa ang dalaga.
Mayamaya pa, isang magandang dalagang Thai ang lumapit sa kanila at bumati.
“Sawadee...” yumuko ito nang bahagya habang nakalapat ang mga palad sa pormang akala mo’y nagdarasal, ipinapakita ang tradisyunal na pagbati ng mga taga-Thailand.
“Phailin!”gulat na sambit ni France at agad itong tumayo. Niyakap nito ang bagong dating, na ginantihan din naman ng isa. Bakas ang kasiyahan sa kanila at pagkasabik. Parang magkapatid na matagal di nagkita. Nagpalitan sila ng batian sa salitang Thai. Di na ikinagulat pa ito ng magkakaibigan, tutal vocal naman si France na madalas siya sa bansang ito. Mayamaya pa’y humarap na rin ang mga ito sa kanila, parang naalalang bigla na may mga kasama pala sila.
“Everyone, this is Phailin. The beautiful daughter of the owner of this restaurant,” pakilala ni France sa bagong dating.
“Sawadee Ka,” bati ng lahat kay Phailin. Si Mhy naman ay medyo natensiyon. Pangmodelo kasi ni Phailin na may maputi at porselanang balat. Di niya akalaing ganoon kaespesyal ang relasyon ng dalawa. Di man niya gusto, di niya maiwasang huwag magselos.
Sa sobrang inis, umorder ng marami si Mhy. Pinili niya waterfall beef salad, chicken in coconut milk soup, drunken fried black fish at simpleng Thai vegetable curry. Talagang kinarir niya ang ISKARGU (Isda, Karne at Gulay). Well, wala naman siyang balak na ubusin ang lahat ng mga ito. Alam niyang si France ang magbabayad. Magandang malagasan ito kahit papano ng pera.
Akala ni Mhy naitago na niya nang mabuti ang reaksiyon. Di pala ito nalingid pa rin sa mga kaibigan. Nakita niya ang mga patagong tingin sa kaniya ng mga ito na para bang nagtatanong kung ayos lang ba siya.
Sumama sa kanila si Phailin pero hindi na ito sumabay pa ng kain dahil tapos na raw siya. Ganumpaman, sinamahan niya ang magkakaibigan at naging isang magiliw na host. Nag-order siya ng Chocolate Mango Mousse bilang dessert na sinabi niyang ‘on the house’ bilang kaniyang pag-welcome sa mga kaibigan ni France sa kanilang bansa. Napag-alaman kasi niyang first time ni June at ng apat na kababaihan sa Thailand.
Nang matapos na silang kumain, nawala na rin ang inis ni Mhy. Bahagyang dahilan nito ay ang napakasarap na Thai cuisines na inihain sa kanila at ang natitira pang dahilan ay ang pagka-o.a. na ni France. Halatang nagpapaselos lang ito ng husto.
Well, I won’t give you the satisfaction, bulong ni Mhy sa sarili at palihim na natawa.
Kakauwi lang nila sa resort nang biglang tumunog ang cell phone ni Mischele. Napawi ang mga halakhak at kislap ng kaniyang mga mata. Biglang nawalan ng kulay ang mukha nito, nanghina ang kamay nitong may hawak sa cell phone, halos maihulog ito. Buti nagawang agapan ni Kriza ang phone. Mabilis talaga ang reflex niya.
Di naiwasang makita ni Kriza ang screen ng phone. Agad niyang nakita ang larawan ng isang lalaki at babae na naghahalikan. Isang kuha ito gamit ang screen shot. Kitang kita ang date na naka-indicate sa kanang sulok ng phone, isang taon na ito nang kinuhaan gamit ang screenshot.
Sobrang pamilyar ang lalaki kahit na nasa anggulo itong pingi lamang ang halos nakikita...

No comments:
Post a Comment