Along the way, tahimik ang lahat na nagpapahinga. Wala ng lakas ang mga ito magkwentuhan dahil nakainom ng husto. However, nagulat ang lahat—napapreno ng malakas ang kanilang driver—nang umalingawngaw ang di kagandahang ekspresyong nasambit ni June.
“Ano ‘yun?” koro ng lahat.
“Naiwan sina Mischele at Liam,” sagot naman nito.
Nagkatinginan ang lahat (liban kay June) at ngumising tulad ng lobo. Alam ng bawat isa ang nasa isip ng iba pa. Si Mhy ang nagsalita, “Don’t worry about them. Malalaki na ang mga ‘yon. Magtataxi na lang sila.”
Kinamot na lang ni June ang ulo niya habang pinaandar ulit ang sasakyan. Minsan natatakot siya kay France sa mga kalokohan nito. Mas nadagdagan pa ata ang takot na ‘yon nang maging kaibigan niya ang mga kabaaihang ito. Pero okay na rin kahit gano’n, ang naisaloob niya. Nakita niya ang kaisa-isang babaeng nagpatibok ng natutulog niyang puso... si Athena. Tinapunan niya ng tingin ang babaeng nakaupo sa tabi ni Mhy. Hindi maiwasang lalong lumakas ang tibok ng kaniyang puso sa maamo nitong mukha. Pakiramdam niya sa tuwing kumakabog sa ganoong paraan ang kaniyang dibdib, nalalapit na ang kaniyang sariling kamatayan.
“Manahimik ka nga, puso,” saway niya sa sarili. Binulong lang naman niya pero may sumabad mula sa likuran.
“Narinig ko ‘yon!” Si Kriza ang nakarinig. Narinig niya ang impit nitong mga hagikhik kaya natawa na rin lang siya.
--------------------------------------------------------------------------------
Binalikan nina Liam at Mischele ang table nila pero laking gulat ng aktor nang nakita niyang wala na ng mga ito.
“Shit!”
“Uh-uh, Mr. Rodriguez, don’t say bad words,” saway sa kaniya ng sobrang tipsy nang si Mischele. Halos buhatin na niya ito sa sobrang kalasingan. Good thing na nakainom lang siya. Mukhang ang gumawa na ng pagtungga para sa kaniya ay ang babaeng kasama niya. Nagbago ang ekspresiyon niya. Naalala kasi niya ang naidaldal sa kaniya ng dalaga habang nag-iinuman sila.
“Well, I know Kriza’s side of the story. Pero mukhang hindi naman ata ‘yun ang dahilan kung bakit talaga kayo nagbakasyon magkakaibigan. So, what’s the scoop?” tanong ni Liam, wala pa rin siyang ideya tungkol sa naging breakdown ni Mischele nang hapong ‘yon.
“I don’t have any intention of getting a vacation on the first place. Gawa lang nito,” ang sagot ni Mischele at itinuro ang puso niya, pangisi-ngisi na para lang tanga. Lasing na nga.
“Heartbroken?” Pasulyap niyang tiningnan ang kausap.
“Hahahaha... that’s even an understatement, Mr. Rodriguez.” Mapait ang tawa nito. Bago pa tuluyang palawigin ang sagot, tumungga ulit ng isang shot. Hinayaan lang ito ni Liam.
“He totally shattered me.”
Napailing si Liam, napaisip siya tuloy kung ilang babae rin kaya ang nagawa niyang ganito. Hindi niya maiwasang manliit. Never naman kasi niya ito narealize at wala naman siyang naging close friend na babae before. He had no idea na ganito pala ang epekto ng mga katulad niyang heartbreakers.
“He doesn’t deserve you, babe.” Babe? Sanay naman siyang magsabi ng salitang ‘yon sa mga babae pero napahiya siya nang gamitin iyon kay Mischele. Malakas na talaga ata ang tama niya? At sigurado siyang hindi iyon gawa ng alak.
“Ha! Ikaw, Mr. Rodriguez, ha. Swabe ka ring mang-uto...”
“Akala ko swabe akong magpakilig.”
“In fairness, ngiti mo pa lang kinikilig na ako.” What the...?! You’re capable of flirting, Mischele? Nagulat din si Mischele sa tinuran pero para siyang inalihan ng espiritu ng alak. Kaya siguro ang iba pang term nito ay ‘spirits.’ Nawalang tuluyan ang tuon niya sa ‘flirt thingy’ at nalipat ito sa bote ng alak na nasa harap niya. Château Haut-Brisson Saint-Émilion Le Grave.
“Wah! Kaya pala masarap, eh. Kakaiba ang pangalan!” Kinuha niya ang bote ng alak at inilapat ito sa mukha niya. Masarap sa pakiramdam ang lamig para sa kaniya nang mga oras na iyon. Kung pwede nga lang siyang lumipad papuntang North Pole ginawa na niya. Bakit ba kasi masyadong mainit ang paligid at intense? Hindi dapat ganito!
Sinalinan niya ng alak ang extrang wine glass sa harap niya. Balak niyang punuin kaso nakita niyang kukunin ito ni Liam kaya mabilis niya itong iniwas sa kamay ng aktor.
“Uh-uh! This one’s mine!”
Walang magawa si Liam kundi umiling. Sa totoo lang, wala na ata siyang ginawa maghapon kundi umiling nang umiling. Nagsimula ang ganitong kondisyon niya nang makilala ang mga babaeng ito.
“But Shelley...”
“Ah! Don’t Shelley me,” saway ni Mischele kay Liam. “Kaya ko ito. Ito ang sa ‘yo.” At kinuha pa ni Mischele ang isa pang baso. Masaganang pinadaloy nito ang alak papunta sa baso.
Kinuha naman ni Liam ang baso nang iabot ito ni Mischele sa kaniya. It was one of the rarest of times na makikita niyang helpless siya sa kamay ng isang babae. Hindi niya makuhang huwag humindi sa diwatang ito sa tabi niya.
“So... this guy... How was he?” Whoa! Liam, really?! You’re being ruthless to the poor girl. Tinaboy lang ni Liam ang kalahati ng diwa niya. Gusto niyang makilala kung sino ang lalaking nagpalaya sa napakagandang babaeng kasama niya ngayon. Ang totoo... hindi niya magawang magalit dito. Kung nasa Pilipinas nga siya baka napuntahan na niya ito para personal na magpasalamat.
‘Thank you for losing her, man.’
Ngumisi si Misch pero nanatiling nakatuon ang tingin sa likidong nasa loob ng basong pinaiikot niya. Hindi nakalampas sa paningin ni Liam ang pait na nakapaloob sa ngiti nito bagamat nakukubli sa anino ang mukha ng dalaga.
“Si Fritz ba? Siya ‘yung taong nagpush sa akin paitaas. Kung nasaan man ako ngayon, mostly gawa niya. Without his help, ewan ko na lang kung marating ko pa ang kinalalagyan ko ngayon. Kaso nga lang...”
Hindi maituloy ni Misch ang gusto niyang sabihin. Kinagat niya ang labi para di bumuhos nang malaya ang mga salita dahil alam niyang kapag nagtuloy-tuloy ang mga ito, di maiiwasang dumaloy na rin ang masaganang luha na kaniyang ikinukubli. Lasing na siya, ramdam niya ang pagmamanhid ng katawan pero mas mataas pa rin ang pride niya dahil nakakaya niya pa ring itago ang emosyong kasing lakas nito.
Nagulat siya nang may humawak nang marahan sa baba niya at marahang iniharap ang kaniyang mukha dito. Matamang tiningnan ni Liam ang kaniyang mga mata, hinahanap ang kung anong kasagutang maski siya ay di alam.
“Okay lang ‘yan, Shelley. If you need someone to listen... I’m here.”
“He’s so cruel, Liam. Inako ko ang guilt dahil alam kong malaki ang pagkukulang ko bilang girlfriend niya, but I was mistaken. Isang taon na pala siyang may ibang babae.” Alam ni Mischele na namumuo ang mga luha niya subalit pinilit pa rin niyang hindi tuluyang umiyak.
Ang mga matang ‘yon na napakaganda at nagpapakita ng isang napaka-espesyal na katauhan ay nangingilid sa mga luhang ang naging dahilan ay isang insensitibong nilalang. Kahit pilit tinatakpan ng babaeng nagmamay-ari ng kulay tsokolateng mga mata ang sakit na nararamdaman, sumasalpok pa rin ito kay Liam katulad ng malalakas na bayong pinapakawalan ng isang boksingero. Otomatikong nagtiim ang kaniyang bagang tanda ng pagpipigil ng nararamdaman. Babawiin na niya ang nasabi sa niya sa kaniyang sarili ilang minuto ang nakakaraan. Ibang usapan na pala kapag nakikita mong lumuluha na ang babaeng nagiging espesyal sa iyo. Hinigit niya si Mischele papunta sa kaniya at yinakap ito nang mahigpit.
“Ssshhh.... You don’t have to think of him tonight, babe. Forget about him... forget about everything else back home.”
Nagulat si Mischele sa yakap na ‘yon ni Liam. Sa isang pangkaraniwang pagkakataon, malaki ang posibilidad na maitulak niya ito at masampal. Hindi sa mga oras na ‘yon. Masarap sa pakiramdam ang higpit ng yakap sa kaniya ng binata. Lalo niyang nilubog ang sarili sa mga bisig nito.
Oo, kahit sandali hindi ko muna siya iisipin. Kahit sa ilang sandali, iiwan ko muna ang alaala niya sa kung saan ito dapat manatili. Sa ngayon, makokontento muna ako sa mga bisig ng lalaking ito.
Sa sobrang sarap ng pakiramdam ni Mischele, nakaramdam siya ng antok. Parang nakahiga siya sa napakalambot na duyan habang hinihele siya nito.
“Ang sarap sa pakiramdam...”
‘Yun lang at naramdaman niyang lumilipad ang sarili patungo sa lugar ng mga panaginip.
-------------------------------------------------------------------------------------
Maganda ang napanaginipan ni Mischele. Tanda niya pa rin ito hanggang sa paggising. Ramdam niya ang haplos ng sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng kaniyang silid. ‘This is life!’ Sambit niya sa sarili. Uminat siya habang tuluyang tumayo mula sa pagkakahiga. Dito niya napansin ang ilang bagay... Nanlaki ang mga mata niya sa reyalisasyon.
“Hindi ko ito kumot... hindi ko to unan... at hindi ko ito silid! Nasaan ako? Nasa kwarto kaya ako ng isa sa tatlong ‘yon?”
Unti-unting sumisiksik ang pag-aalala sa kaniyang dibdib. ‘You have to think, Shelley!’ utos niya sa kaniyang sarili. So she calmed herself and began to think. Naalala niya ang pagpunta nila sa bar, ang pag-inom niya. Nahiya siya sa sarili nang makita ang kaniyang sarili sa balintataw na sumasayaw kasama si Liam. Naalala niya ring nagpipigil siyang magbreak down sa harap ng aktor habang kinukwento ang tungkol sa kanila ni Fritz. Napangiti siya nang bahagya at binigyang-papuri ang sarili dahil nagawa niya pa ring pigilan ang mga luha niya kahit na lasing na siya noon. May pasulpot-sulpot na mga alaala na nasa taxi sila ni Liam.
Rrrrrrrr! Iniwan nga pala kami ng mga salbahe kong kaibigan! Tatayo na sana siya upang komprontahin ang mga ito nang biglang siyang napatili dahil ‘pag buklat niya ng kumot, tanging ang mga panloob niya lang na mga saplot ang nakabalot sa kaniyang katawan.
“Aaaaaah! Where are my freakin’ clothes?!” sigaw niya. At lalo siyang napatili nang lumabas mula sa banyo ang isang halos hubo’t hubad na katawan ng isang diyos... ay mali, ng isa sa pinakasikat na aktor ng Pilipinas: si Liam Rodriguez.
“What the hell?!” sigaw din ni Liam at napangiti nang makita ang estado ni Mischele. Wala itong damit maliban sa mga underware.
Napansin naman ni Mischele ang tinitingnan ng binata at na-realize na wala nga pala siyang damit. Agad siyang nagtapis muli ng kumot.
“Anong ginagawa ko dito?” paangil na tanong ni Mischele kay Liam. “And nasaan ang mga damit ko?”
Dahan-dahan ang ngiti na nagmutawi sa mapupulang labi ng aktor. Samantala, napalunok naman ang dalaga. Ninanamnam ng kaniyang mga mata ang wet look ni Liam. Iba pala kapag nasa harapan ang ganito kaguwapong nilalang. Matutuyuan ka ng lalamunan. Lalo namang lumapad ang ngiti ni Liam sa nakita niyang ekspresyon mula kay Mischele. Gusto niyang matawa pero ito na ang pagkakataon para maisagawa niya ang balak.
Humakbang siya ng isang beses papunta kay Mischele. At isa pa. Sa ikatlong hakbang, inalis niya ang tapis na twalya. ‘Precious’ ang naiisip niyang salita habang nakikita ang naglalarong ekspresyon sa mukha ng dalaga. Sa una para itong isang munting ibon na nasa ilalim ng hipnotismo ng ahas. Di ito makagalaw. Sa isa niya pang pag-usad gumapang na ang pamumula sa mukha nito. Sa pag-alis niya ng tuwalya, tinakasan naman ito ng kulay.
Sa isang kumpas, bigla niyang binagtas ang pagitan nilang dalawa. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa dalaga.
“Ano? Next round na tayo ulit?” bulong niya sa dalaga. Ginamit niya ang mapang-akit niyang tono, ang pinaka-pamatay niyang katangiang umakit na sa di niya mabilang na mga kababaihan. Sinamahan pa niya ito ng kaniyang signature smile na kumbaga sa ingles ay naka-smirk.
Parang nilindol ang mundo ni Mischele sa umpisa lalo na nang maghubad si Liam ng tuwalya. Isa siya sa mga taong kapag natatakot ay bigla na lang napapako sa lugar nila. Ganoon ang naging reaksiyon ng katawan niya. Hindi siya makagalaw sa lugar niya. Nang lumapit si Liam at naamoy niya ang cologne nito, gusto na niyang himatayin.
Kalma, Mischele. Kalma lang! Utos niya sa sarili. May sinabi si Liam na alam niyang nasagap naman ng kaniyang tenga. Napakalapit naman kaya kasi nito sa kaniya. Ang problema nga lang, matagal bago naiproseso ng kaniyang utak kung ano ang kahulugan ng mga salitang ‘yon. Gusto na niyang mahimatay nang nakita niya—nang malapitan—ang kilalang “Liam’s smile” na kinababaliwan ng mga kababaihan at maging ng sangkabekihan.
Next- round- pa- tayo- ulit? Paputol-putol ang mga salitang umaalingawngaw na sa kaloob-looban ng kaniyang kamalayan. Dumaloy ito na parang mainit na magma sa kabuuhan ng kaniyang diwa.
Next-round-pa-tayo-ulit...
Kasabay noon ang magkakasunod na mga larawang pinakawalan ng malupit niyang utak. Para siyang pinapaso ng mainit na bakal sa bawat eksenang naaalala niya.
Maiinit na halik ni Liam. Bawat halik ay sanhi ng kaniyang pagkatunaw at pagkawala ng kaniyang reserba. Ibinabalik niya ang mga ito sa intensidad na noon lang niya nalamang kaya pala niyang pakawalan. Ang pag-alis ni Liam ng kaniyang damit, banayad ngunit puno ng pagkasabik.
Aaaaaaah!
Ubos lakas na hinablot ni Mischele ang kumot, mabilis itong ibinalot sa sarili at kumaripas ng takbo. Wala na siyang pakialam kung saang direksiyon siya tutungo. Ang mahalaga, palayo siya sa lalaking ‘yon na kumuha ng kaniyang kainosentehan.

No comments:
Post a Comment