Kaya eto siya
ngayon sa NAIA Terminal 3 at matiyagang hinihintay ang mga kaibigan niyang
talagang malapit nang ma-late.
Noong gabing
nag-text siya sa mga kaibigan. Halos
walang tanong ang mga ito kung bakit siya bigla na lang nagsabing magbabakasyon
siya. Alam kasi ng mga ito na workaholic
siya at di mahilig sa galaan. Pero kung
tutuusin, si Mhy lang naman ang talagang lagalag sa kanila. Ito kasi ang travel writer sa apat.
Akala niya
tatanggapin lang ng mga kaibigan ang di niya pagpapaliwanag... at as usual,
mali siya. Tulog pa siya nang dumugin ng
mga ito at maingay na nagde-demand ng ekplenasyon sa biglaan niyang
desisyon. Sino nga ba ang lolokohin
niya? Matatalino ‘tong mga ito, eh.
Gayon pa man,
di niya sinabi ang nangyari noong gabi.
Masyado pang sariwa ang sugat at di niya makakaya kung sakaling maawa
ang mga ito. Di siya komportable na may
naaawa sa kaniya. Di niya matandaan ang
ugat ng ganoong pakiramdam pero, talagang ayaw niya na kinaaawaaan siya kahit
ng sariling pamilya.
Sinabi na
lang niyang gusto lang niyang magbakasyon kasi nagkakaroon na siya ng writer’s
block, which is enough of a valid reason para sa mga co-writers niya. Kaso, from time-to-time nararamdaman niya ang
mga mapanuring titig ng mga ito kahit nagtatawanan sila habang
nagkukwentuhan.
Buong araw
nilaan nila sa pagpaplano. Sabi naman ng
mga ito wala silang on going project. Si
Mhy naman nagsabing gagawing oportunidad ang bakasyon nila para magsulat ng
articles about sa mga resorts sa Thailand.
Di pa raw siya nakakarating dito kasi di niya sinasali sa listahan. Feeling niya nasa Pilipinas din lang siya,
pero kinukunsidera na niya dahil maliban sa maraming nage-endorse sa kaniya ng
kagandahan ng Thailand, sasamantalahin na rin niya di umano ang oportunidad na
naroon kami.
Sa loob ng
isang araw kasama ng mga kaibigan, nakalimutan ni Mischele ang nangyari. Masyado silang naging busy. Umorder sila ng tickets thru online at
maswerteng nakakuha ng flight to Bangkok sa gabi ng susunod na araw. Napagkasunduan ng lahat na magstay sa Sofitel
So Hotel, mga isang linggo sila doon.
After sa Bangkok, pupunta sila ng Phuket. Nagbook na rin sila ng hotel
reservation sa isang resort sa Phuket na pinili ni Mischele dahil lang ang
pangalan nito ay ang pangalan ng kaniyang paboritong kulay na Indigo, na
sinegundahan naman ni Kriza dahil paborito rin niya ang perlas na nakakabit rin
sa pangalan ng nasabing resort.
Pagkatapos
mananghalian, sama-sama silang nag-shopping ng mga gamit. Tight ang schedule nila dahil nga kinabukasan
na ang flight nila. Nakaraos naman siya
buong maghapon. Pagkawi niya, halos bagsak na si Mischele pero dumaloy nanaman
ang adrenaline sa buo niyang katawan nang sabihin ni Alice na nagpunta ang
kaniyang “Kuya Fritz” at may pinabibigay.
Nakita niya
ang kahon na nakaupo sa gitna mismo ng kama niya. Alam na niya ang mga laman niyon kahit di pa
niya buksan. Kaso parang gusto niyang
sinasampal pa siya ng katotohanan kaya binuksan
pa rin niya. Mayamaya pa,
naramdaman na lang niya na basa na pala ang kaniyang magkabilang pisngi habang
ang kapatid niya ay nakatingin lang sa kaniya.
Naputol ang
pagmumuni-muni ni Mischele nang marinig niya ang boses ni Kriza mula sa
kaniyang kanan.
“Mischele
Anastasia J. Cenon!”
Hila nito ang
isang purple na maleta at may isang malaking hot-pink shoulder bag na
nakasukbit sa balikat. Hindi matangkad
si Kriza, flat 5’ lang ito kaya kakatwang tingnan na malalaki ang mga bagaheng
dala-dala. Bagama’t halos matabunan,
poise pa rin ito sa paglalakad. Smart pa
rin ang dating sa pony-tail hairdo with matching sun glasses. Napahawak tuloy siya sa buhok niya para
icheck kung okay ang ayos ng buhok.
“Parang
rumarampa lang, ha. Bakit ata ang laki
ng bag mo ngayon?” tukso niya sa bagong dating.
Napaismid si
Kriza, sabay dila. “Ikaw nga diyan eh
floral ang damit. Feeling girlaloo ka
ngayon?”
Kagabi,
lingid sa kaalaman ni Mischele, tinext ni Alice ang mga kaibigan ng kaniyang
ate. Pinagbilin ng munting bata ang
nakatatandang kapatid dahil may pinagdaraanang daw itong mabigat, sabay kwento
ng mga detalye. Pumunta raw sa kanila si kuya Fritz niya at may ibiniling
kahon. Nagpaalam din daw ito sa kaniya
at baka matagalan bago sila magkita. Noong
dumating ang ate niya at sinabing may ipinabibigay na kahon ang boyfriend,
nagulat siyang iniyakan nito ang kahon.
Napailing na
lang si Kriza. Pagka-message pa lang sa
kanila ni Mischele, naamoy na nilang tatlo nina Mhy at Athena na may problema
nga ito, subalit hindi pa rin nito nakuhang sabihin sa kanila. Alam nila ang tungkol sa “awa” issue ni
Mischele kaya nanatili munang pinid ang kanilang mga bibig. Pero pangako ni Kriza sa sarili na tutulungan
niyang maka-get over ang kaibigan sa lalong madaling panahon.
“Bakit,
Krizh? Bagay naman, ah.” Singit naman ni Athena na biglang sumulpot kasama ni
Mhy.
“Tigilan niyo
nga ako!” inis na saway ni Mischele at namula.
First time kasi niyang nagsuot ng floral. Wala lang... gusto lang niyang maiba. Tutal ang bakasyong ito ay hudyat ng kaniyang
pagbabagong buhay. Bagong buhay na wala
si Fritz.
“O, siya...
tigilan niyo yan. Picture muna.” Sabay kuha ng candid shot ni Mhy sa tatlong
nagtutuksuhan.
Ilang oras
ang lumipas na di naman nila alintana dahil sa naging busy sila sa pagpapacheck
ng baggage at pagdadaldalan, hanggang sa tinawag ang mga passengers bound for
Bangkok, Thailand.
Layu-layo ang
mga seating assignment ng magkakaibigan pero swerteng magkasama sina Athena at
Kriza. Okay naman kay Mischele ang
posisyon niya dahil sa tabi siya ng bintana.
Halos di niya nga pansin ang mestizong katabi niya na tinitingnan siya
sa kabila ng malalaki at madilim nitong shades.
Nang mag-take
off at nagkaroon ng turbulence, medyo kinabahan siya. Marahil, kitang-kita ang pamumutla ng
kaniyang mukha kaya narinig niya ang katabi niyang nagtatanong kung okay lang
siya.
“Yes, don’t
worry. It’s just that I’m uncomfortable
about turbulence,” dagli niyang sagot sa katabi. Noon lang niya napansin ito at nanlaki ang
mga mata niya nang ma-realize ang isang bagay...
“Oh-em-geee!
You’re Liam Rodriguez!” Dinig ng buong coach nila sinabi niya at mayamaya pa’y may komosyon
na. Dahil celebrity endorser ito ng
airlines na maghahatid sa kaniya sa Bangkok, inimbita si Liam sa mas exclusive
sa coach kahit na ang ibig sabihin noon ay maiiwan ang mga kasamahan niya.
Nakita ni
Mischele na nailing sa pagkadismaya ang sikat na aktor at narinig niyang
bumulong ito ng:
“So much for
my travelling incognito.”
Somehow, she
felt worse than ever.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Natulog si
Mischele sa loob ng anim na oras na biyahe.
Siningil na yata siya ng kapaguran dahil sa halos dalawang araw na
walang tulog.
Habang
natutulog siya, nagawa ni Mhy na kumbinsihin ang flight attendant na ilipat
siya sa tabi ni Mischele. Actually, the
perfect word description would be: She flirted her way into achieving her goal. What Myra wants, Myra gets.
Masaya siyang
kumuha ng picture ng natutulog na si Mischele (for future reference) at
nagbuklat ng mga magazine habang nakikinig sa kaniyang playlist na usually ay
rock music from her favorite band, The Wanted.
Wala lang... di rin siya makapag-concentrate sa kung ano mang puwedeng
mabasa. Umiikot sa isipan niya ang
break-up nina Fritz at Mischele. Halos
sasabog na siya sa kuryosidad pero natutulog ang kaibigan niya, at di rin naman
ito nagsasabi pa ng tungkol sa nangyari. Nag-iinit na ang kaniyang kamay na
yugyugin ito. At gigisingin na nga niya
sana ito pero napigilan siya ng isang boses na nagsasabing kung puwede raw
manghiram ng magazine.
“Miss, puwede
ba akong humiram ng magazine?” tanong ng isang lalaking may magandang
ngiti. Hindi niya maiwasang i-mentally
note ang matangos nitong ilong, almond-shaped na mga mata at... ang pamatay na
ngiti!
Oh, my God! Ang ngiti!
Sa loob-loob
niya puwedeng commercial model ito ng toothpaste. Parang bakod sa
pagkapantay-pantay ang mga mapuputing ngipin nito. And she’s a sucker for killer smiles. Nakita naman niyang hindi talaga ito
interesado sa binabasa niya pero sige, aniya sa sarili. It wouldn’t hurt to play his game.
Inabot niya
lahat ng mga magazine na nasa back pocket na lagayan ng mga babasahin, dahilan
kaya natawa ang estranghero sa ginawa niya.
In fairness, maganda ang quality ng boses nito. Napaisip siya tuloy kung maganda rin kaya ang
boses nito.
“Actually,
I’m not interested with the magazines. “ Makahulugan ang ngiti nito.
“By the way,
the name’s France,” pagpapakilala nito at in-offer ang kamay.
“Myra
Ventura.” Inabot din niya ang kamay niya for a handshake pero imbes na kamayan
siya nito, he gently brushed his lips on the knuckles of her hands.
Kinilig siya
sa ginawa ni France pero hinanda niya ang sarili. Sanay na siya sa mga ganitong lalaki. Di niya rin maintindihan ang sarili. Talagang magnet siya ng mga ganitong lalaki,
kaya natuto na lang siyang makipaglaro.
Pero sa dinami-dami ng mga naging laro niya, wala man lang siyang
nagawang seryosohin.
May vacant
seat sa tabi niya, ‘yung upuang nasa tabi ng aisle. Pangahas itong lumipat sa tabi niya, ngising
lobo. Sikreto siyang napaismid. Isa pa kasi sa mga katangian ng mga lalaking
naa-attract niya, feeling nila madali siyang mauto.
“Your friends
seems to be exhausted. Kung sa bagay,
makatabi mo ang isang tulad ni Liam, talagang nakakapagod un kahit na ilang
segundo lang,” sabi nito pagkatapos ngusuin ang natutulog na kaibigan.
Siyempre,
alam naman ni Mhy na walang tulog ang kaibigan kaya ipinagtanggol niya
ito.
“Nah... she’s
not a fan, actually. Swerte nga ni Liam
na nakilala siya ng kaibigan ko, eh.
Halos di nanonood ‘yan ng TV.”
“Really?
That’s fascinating. Kung sa bagay, di
niya nga talaga nakilala o pinansin man lang si Liam for about thirty
minutes. Record breaking na nga
iyon.” At tumawa nanaman ang lalaki.
“I’m just
glad na di ka nabighani ni Liam. Siya na
lang kasi ang laging nakikita sa grupo kahit lahat naman kami magagandang
lalaki,” komento nito habang nakapatong ang siko sa arm rest ng upuan at
nagpangalumbaba.
Ang
cuuuuuuute! Sigaw ng saloobin ni Mhy.
Nagdadasal siyang huwag nito marinig ang kabog ng kaniyang puso. She’s also a photographer kaya marunong
siyang mag-appreciate ng magagandang subject at scenery, and this guy beside
her is definitely one!
“So, you’re
bound for Bangkok? Saang hotel kayo magstay ng mga friends mo? We’ll be staying at Sofitel’s.”
Napa-tap ang
mga daliri ni Mhy sa arm rest ng kaniyang upuan. May kung anong magandang ideya kasi ang bigla
na lamang pumasok sa isip niya. Di niya
naiwasang mangiti.
“What a
coincidence! We’re staying there, too, at least for a week. Then punta ng Phuket, may reservation na kami
sa Indigo Pearl.”
“You know
what... sabay na lang kayo sa amin.
Liam’s actually traveling incognito for the sense of normalcy and
there’s no better way than the decent company of unadoring females.”
Napailing si
Mhy, hindi dahil sa ayaw niya ng ideya.
Ang totoo, gusto niya ang paroroonan ng usapan. Sakto ang kaniyang kalkulasyon. Gayon pa man,
umarte siyang nagdadalawang-isip para naman hindi mamali ng impresyon si
France.
“I don’t
know... baka hindi magustuhan ng mga kaibigan ko. You might get the wrong idea. Hindi kami mga kaladkaring girls,” wika niya.
“No, no,
no! Far from it. Hindi kami mga bad boys. It’s just for company. Magkakasama lang tayong mag-explore ng mga
scenery. Besides, I’m an expert about
Thailand,” sabi nito sabay kindat.
Nagpatuloy pa
si France. “Okay, go consult your girl
friends. Here’s my number. Send me a message sa kung ano mang
mapagkasunduan ninyo.”
Inabot ni
France ang calling card.
“Okay. That’s a deal.” Myra agreed. Pilit niyang kinukubli ang excitement sa mukha
niya. Ang totoo, buo na ang plano sa
isip niya.
Yeah, this
vacation’s one promising ride.
----------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala,
kasulukuyang nanaginip si Mischele ng mga masasayang alaala nila ni Fritz. Halos lahat ay flashbacks hanggang sa gabing
nakipag-break ito sa kaniya. Sa huling
senaryong iyon, nakita niyang nalanta ang mga bougainvilla at mga rosas na
mayabong sa hardin ng kanilang paboritong restaurant.
Tinalikuran
niyang sandali si Fritz pero hinarap itong muli para sabihin ang mga katagang
di niya nagawang sabihin pa. Subalit
laking takot niya nang makita ang nakahandusay na katawan ng dating kasintahan. Kumalat ang dugo nito sa damuhan at parang
nakaporma ang walang buhay nitong pigura sa kakatwang anggulo, suhestiyon na
bali-bali ang mga buto.
Di niya alam
kung anong gagawin at sasabihin. Isang
walang katagang sigaw lang ang lumabas mula sa kaniya.
Nasa ganoong
estado siya nang may mga bisig na yumakap sa kaniya mula sa likuran. Pilit niya itong inaalis subalit mahigpit ang
pagkakayapos ng di kilalang lalaki.
Gusto niyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Fritz dahil parang lumalayo
ng husto ang distansiya nito sa kaniya ngunit wala siyang magawa.
Nilingon niya
ang mukha ng pangahas pero nakukubli ito ng anino, dahilan upang di niya
makilala ang may-ari nito.
Sumigaw siya
ng, “Bitaw! Bitawan mo ako!” At sa
laking gulat niya, walang boses na namutawi mula sa kaniya. Parang sa silent films.... ganoon ang
eksenang nakikita niya.
Continue to the next chapter: CHAPTER 2
No comments:
Post a Comment