Tuesday, June 23, 2015

His Lost Memories

Hi!

It's been a while since I last updated.  Gusto ko lang i-announce that naka-hugoat na ako ng lakas ng loob para ilagay sa Wattpad ang His Lost Memories.  Hopefully din, makahanap ako ng enough time and inspiration para matapos na ang revised version. Tapos na ang unang draft pero that was fan-fic kaya intended lang sa mga close friends ko.  This time... iniba ka.

Hope you guys find time to read my stories.  (YUp, got 2 in Wattys already ^__^).

If you wanna check HLM, just click THIS.



Friday, February 27, 2015

Reposting ;) (with two new chapters)

Hi, folks!

As you can see, I've just reposted the recent chapters of T.I. and posted 2 new chapters. Hope you enjoy reading.  I think medyo matagal bago ko ulit madugtungan.  Madami kasing ginagawa.  I'm balancing my net business, article-writing, PTC's and story updates all in just a day (may bago pa kaming home-based business).  Whew! 

Anyway, about His Lost Memories (HLM), I'm revising pa 'yung ginawa ko ulit na draft.  Nahihirapan akong magcapture ng moment dahil ang weird sa feeling.  Did I mention before na fan-fic talaga ang HLM originally?  Nag-umpisa lang ito sa gawa-gawa namin ni Mhy  na parang RPG sa Whatsapp.  Binabasa naman ito ng mga kasama ko sa Club D (code ko yan sa group namin).  Ang guy na bida ay base kay... Y.S. (hulaan niyo kung sino ;-P ) na crush ng buong grupo.  However, dahil sa ni- re-draft ko siya, magkakaroon na ng maraming twist ang story.  

Hopefully, makapost ako ulit within this coming week. Asin... asin... para sa good luck.  

'Til then... 

P.M.

Post Script:  Don't forget to visit the sister blogs of the Pen Pal Series: SOUL FRAGMENTS   and YOU'RE MY MISSING PIECE . 

Travelling Incognito: Chapter 5

Hindi sinasadyang maiwanan sa bar sina Mischele at Liam.  Dito nalaman ng binata ang tungkol sa issue ni Mischele at ang mismong dahilan kung bakit ito nagbakasyon sa Thailand.  He heard the very words from Mischele's lips.  Read more...

Travelling Incognito: Chapter 4

Parang binuhusan si Mischele ng malamig na tubig na may kasamang ice cubes nang makita niya ang larawang nagpapatunay ng kataksilan ng kaniyang nirerespetong ex-bf na si Fritz.  Buti na lang at umaalalay ang kaniyang mga kaibigan pati na rin si Liam.  Sa bar, pinilit niyang aliwin ang sarili at pilit na nilulunod ang sarili sa alak. Read more...

Travelling Incognito: Chapter 3

Nakilala pa ng magkakabarkadang manunulat ang grupo ng mga most eligible bachelors ng Pilipinas. Sa bonding nila, sinong makapagsasabing bago lamang silang magkakakilala. Ganumpaman, dahil sa broken hearted si Mischele, di niya halos pinapansin ang mga titig ni Liam.  Worse, inaakala niyang interesado ito sa kaibigang si Kriza. Read more...

Travelling Incognito: Chapter 2

Dahil sa pagod, nakatulog si Mischele sa eroplano at walang naging alam sa mga pangyayari during the flight.  Manhid pa rin ang isip niya nang bumulaga sa kaniya ang sikat na aktor na muntikan niyang makatabi sana sa buong flight period.  Hindi man aminado, na-star struck siya ng husto kay Liam.  Read more...

His Lost Memories: Prologue

Tatlong taon na ang nakakalipas nang maaksidente si Yuri.  Tatlong taon na rin siyang walang matandaan.  Ang mga alaala niya simula nang magkaisip hanggang sa dalawampu't dalawang taong gulang na ay parang mga gintong naitago sa loob  ng kahon at ibinaon.  

Isang sikat na manunulat na si Orielle. Nakilala siya di lang sa sariling bansa kundi sa buong mundo dahil sa librong labis niyang pinagbuhusan ng buo niyang kaluluwa.  Nakasilid sa mga pahina nito ang pag-ibig niyang matagal nang itinatago at pilit na ikinukulong para sa kasintahang marahil ay kahit kaila'y di na siya maaalalapa. Read more...